Wednesday, August 19, 2026

Impeachment Trial, dapat tumutok sa mga ebidensya at hindi sa mga clerical o typographical errors sa mga dokumento

Hiniling ni House Impeachment Adviser and Spokesperson Robert Ace Barbers sa publiko na pagtuunan ng pansin sa impeachment trial ang mga ipiniprisentang ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte.

Giit ni Barbers, hindi spelling contest ang impeachment trial kaya hindi dapat sumentro ang diskusyon sa mga clerical o typographical errors sa mga dokumento mula sa mga testigo.

Ayon kay Barbers, karapatan ng depensa na suriin ang bawat dokumento at ungkatin ang bawat legal na isyu dahil parte ito ng due process.

Giit pa niya, ang mga paperwork ay kailangang tama pero hindi ito ang ebidensya na makakaapekto o makakapagbago sa katotohan na pinagbantaan ni VP Sara na ipapapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang personalidad.

Pahayag ito ni Barbers makaraang tukuyin ng depensa sa paglilitis kahapon ang mga maling spelling, petsa at iba pang typo errors sa mga affidavit at subpoena na ipinrisenta ng testigo ng prosekusyon na si National Bureau of Investigation Regional Director Jeremy Lotoc.

Facebook Comments