Thursday, July 9, 2026

Dating DPWH Sec. Bonoan, posibleng i-pressure para idiin si Rep. Martin Romualdez sa flood control scandal

Naniniwala ang kampo ni dating House Speaker Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa posibilidad na i-pressure si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan para idiin ito sa imbestigasyon ng Ombudsman ukol sa flood scam investigation.

Ayon sa tagapagsalita ni Romualdez na si Ade Fajardo, hanggang ngayon ay wala pang lumulutang na ebidensya laban dito kahit patuloy syang isinasangkot sa flood control scandal.

Diin pa ni Fajardo, maging si Bonoan ay walang anumang binabanggit laban kay Romualdez simula ng sumabog ang katiwalian sa flood control projects noong July 2025.

Pero ayon kay Fajardo, nakakapagtaka na bigla nalang parang nagkaroon ng perfect memory si Sec. Bonoan kasunod ng balita na ito ay tetestigo para lamang ituro si Romualdez.

Dagdag pa ni Fajardo, na ngayon ay nasa hospital arrest si Bonoan pero maaring magkaroon ng maraming pressure sa isipan nito sa oras na ito ay maging medically clear at mailipat sa regular na kulungan.

Facebook Comments