
22 Pilipinong biktima ng human trafficking mula Cambodia ang dumating sa bansa.
Sila ay dumating kaninang umaga sa NAIA 1 sakay ng Philippine Airlines flight PR 2622 mula Techo International Airport sa Phnom Penh.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang matagumpay na repatriation sa mga biktima ay bunga ng pagtutulungan ng DMW Rapid Response Team sa Cambodia, Migrant Workers Office sa Singapore, at ng Philippine Embassy sa Phnom Penh.
Nagtutulungan na rin ang DMW Migrant Workers Protection Bureau at ang Inter-Agency Council Against Trafficking para sa pagbibigay ng legal assistance sa mga biktima.
Facebook Comments










