Saturday, June 6, 2026

DILG, nagpaalala sa mga LGU laban sa mga liham na may logo ng DILG at NBOO kahit hindi naman otorisado

Pinag-iingat ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units laban sa online messages at liham na may logo ng DILG, at National Barangay Operations Office (NBOO).

Kasunod umano ito ng mga natanggap na liham ng mga LGU na may logo ng DILG at NBOO na nanghihingi ng mga sensitibong impormayon via email, gaya ng pagvi-verify ng address ng mga pribadong indibidwal, paghingi ng tulong sa paghahatid umano ng subpoena, writ of execution, default judgement o hatol ng hindi pagdalo, at property garnishment.

Paalala ng DILG sa mga barangay officials, idaan sa tamang proseso ang pagbibigay ng mga personal na impormasyon mula sa rekord ng barangay.

Giit pa ng DILG, maaaring maharap sa mga mga kasong administratibo, civil, at krminal ang sinumang gagamit ng logo ng DILG at NBOO ng hindi otorisado.

Facebook Comments