Wednesday, June 10, 2026

Audit logs ng P92.8 million na “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan, pinasusumite ng Sandiganbayan 3rd Division

Ipinag-utos ng Sandiganbayan 3rd Division kay Department of Public Works and Highways o DPWH Information Management Service Director Rhalf Cawaling na isumite ang audit logs ng monitoring record ng P92.8-M na “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.

Kasunod ‘yan ng pagharap ni Cawaling kahapon, June 9 sa nasabing dibisyon bilang witness sa kasong malversation laban kay dating Senator Bong Revilla Jr. at iba pang akusado.

Ayon kay Cawaling, naitatala sa system ng Project and Contract Management Application ng ahensya ang mga taong naglalagay ng partikular na proyekto sa kanilang database, maging ang anumang modification o pagbabagong may kinalaman sa proyekto.

Dagdag pa dito, tanging ang project engineer lang ang nakakapag-update ng nasabing system.

Facebook Comments