Pinaiimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang insidente ng pagkalunod ng dalawang manlalaro ng Ateneo Men’s Basketball sa Dipaculao, Aurora.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, inatasan na ang National Bureau of Investigation (NBI) na bumuo ng task force na tututok sa insidente na nagresulta sa pagkasawi nina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Kabilang sa gagawin ng NBI ang malaliman, malawak at patas na imbestigasyon para tingnan ang lahat ng anggulong may kinalaman sa insidente.
Bilang bahagi rin ng imbestigasyon, sinabi ni Martinez na sisilipin ng NBI kung may sapat na batayan para irekomenda ang pagsasampa ng reklamo sa Justice Department.
Facebook Comments










