Friday, June 5, 2026

Sandiganbayan 3rd division, hiniling na mapalawig pa ng 30-calendar days para resolbahin ang petitions for bail ni Ex-Sen. Revilla

FILE PHOTO

Humihingi ang Sandiganbayan 3rd division ng 30-calendar days extension simula bukas, June 6 para resolbahin ang petitions for bail ni dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. at iba pa na nahaharap sa malversation case kaugnay ng flood control scandal.

Ngayong June 5 ang deadline ng unang 30-day review.

Pero , humiling ang ikatlong dibisyon ng Sandiganbayan ng dagdag-panahon na isang buwan para mabusisi pa ang petisyon.

Si Revilla at nasa anim na kapwa akusado ay nahaharap sa mga kaso kaugnay ng P92.8 million ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Una nang nakapagpiyansa si Revilla ng P90,000 para sa kanyang graft case.

Facebook Comments