Monday, June 8, 2026

DepEd, nag-deploy na ng engineers na susuri sa mga paaralan kasunod ng malakas na lindol sa Sarangani Province

Nag-deploy na ang Department of Education (DepEd) ng mga engineer sa mga rehiyon na naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao.

Partikular na sinusuri ngayon ng DepEd ang school facilities sa DepEd Regional Office XII.

Nagpadala rin ang DepEd ng structural engineers mula sa Central Office para tumulong sa pagsasagawa ng damage assessments at para alalayan ang regional teams sa ground.

Tiniyak naman ni Education Secretary Sonny Angara na nakatutok sila sa sitwasyon at kasalukuyan siyang nag-iikot sa mga paaralan sa Mindanao na naapektuhan ng malakas na lindol.

Facebook Comments