Sa anunsyo ng lokal na pamahalaan, hinihikayat ang mga kwalipikadong mag-aaral na personal na magtungo sa kanilang opisina upang kumuha at kumpletuhin ang application form para sa nasabing programa.
Kabilang sa mga kailangang isumite ang Certificate of Registration o COR, Certificate of Indigency ng magulang o guardian, valid ID ng aplikante, 2×2 picture na may puting background, at kumpletong UniFAST Application Form.
Itinakda sa Oktubre 14, 2026 ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon.
Pinapayuhan ang mga interesadong mag-aaral na maagang kumpletuhin at isumite ang kanilang mga dokumento dahil limitado lamang ang mga slot at susundin ang patakarang first come, first served.
Gayunman, nilinaw ng lokal na pamahalaan na hindi garantiya ng pagkakapili bilang benepisyaryo ang pagsusumite ng aplikasyon, dahil sasailalim pa sa pagsusuri at beripikasyon ng CHED ang mga dokumento alinsunod sa mga alituntunin ng programa.
Samantala, hindi na kailangang magsumite muli ng mga dokumento ang mga estudyanteng nakapag-aplay na sa TDP, dahil naipadala na sa CHED ang kanilang mga papeles para sa kaukulang pagsusuri at beripikasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





