Tuesday, November 24, 2026

WATER INTERRUPTION SA ILANG BARANGAY SA SAN CARLOS CITY,MULING NARARANASAN

Muling nakararanas ng water interruption ang ilang barangay sa San Carlos City ngayong Nobyembre 23, matapos masira ang pump at motor sa Palaming Pumping Station ng San Carlos Water District.

Batay sa abiso ng tanggapan, simula alas-8 ng umaga ay maaaring makaranas ng mahina hanggang sa walang tubig ang mga barangay ng Pangalanan, Pagal, Cacaritan, Tandoc, Palaming at Capataan.

Magpapatuloy ang water interruption hanggang sa maayos ang nasirang pumping equipment.

Ito na ang ikalawang water interruption na inanunsyo ng water district matapos ding maapektuhan ang ilang barangay noong Nobyembre 21 dahil sa power interruption at pagkasira ng generator set.

Noong Sabado, nakaranas ng mahina hanggang sa walang tubig ang Tarectec, Magtaking, Sapinit, Cobol, Coliling, Payapa at Turac mula alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Sa ngayon, wala pang inilabas na oras kung kailan tuluyang maibabalik sa normal ang suplay ng tubig sa mga apektadong lugar ngayong Lunes. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments