Tuesday, October 13, 2026

ILANG GURO SA DAGUPAN CITY, PABOR SA MAS MATAAS NA DAGDAG-SAHOD

Pabor ang ilang guro sa Dagupan City ukol sa panawagan ng iba pang grupo ng kaguruan na mas taasan ang magiging dagdag-sahod sa kanilang ginagampanang propesyon.

Isa si Teacher Jocelyn sa mga gurong nais na magkaroon ng dagdag-sahod bilang guro sa isang pampublikong paaralan.

Aniya, magiging malaking bahagi ng kanilang kaginhawaan kung sakaling maisulong ang mas mataas na dagdag-sahod lalo at iba-iba ring ang pinagdadaanan at gastusin ng mga guro.

Matatandaang binigyang-diin ni Teachers’ Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas ang hindi pa rin umanong sapat na sahod ng mga guro lalo sa tumataas na presyo ng mga bilihin at iba pang gastusin.

Kaya naman patuloy ang kanilang panawagan ang mas makabuluhang sahod para sa bawat guro maging iba pang nagtatrabaho sa Department of Education (DepEd).

Sa nalalapit na pagsasa-pinal ng desisyon ukol sa magiging national budget ng Pilipinas sa taong 2027, umaasa ang ilang guro na maisasama ang kanilang panawagan sa mapaglalaanan ng pondo bilang itinuturing na kabilang sa pinakamamahalagang sangay ang sektor ng edukasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments