Tuesday, October 13, 2026

TRANSPORTASYON SA MGA ITINITINDANG ITLOGNG ILANG MANLALAKO, APEKTADO RIN NG PAGBABAGO SA PRESYO NG PETROLYO

Dagdag-gastos sa paghahatid ng mga produkto ang inaasahang haharapin ng mga nagtitinda ng itlog kasunod ng pagtaas ng presyo ng gasolina simula ngayong Martes, Oktubre 13.

Bababa ng tatlong piso at isang sentimo kada litro ang presyo ng diesel, habang tataas naman ng isang piso at limampu’t anim na sentimo kada litro ang presyo ng gasolina.

Sa kabila ng pagbaba ng presyo ng diesel, posibleng madagdagan pa rin ang gastos sa biyahe ng mga nagtitinda ng itlog na gumagamit ng mga sasakyang pinatatakbo ng gasolina sa paghahatid at pagbebenta ng kanilang mga produkto.

Ayon kay Dennis De Guzman, isang manlalako, umaasa ang mga nagtitinda na lalakas ang bentahan ng itlog ngayong ber months, lalo’t humupa na ang pagbaha sa ilang lugar.

Samantala, ipinaliwanag ng Department of Agriculture o DA na kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pagkain ang kakulangan sa suplay dahil sa kondisyon ng panahon, gayundin ang pagtaas ng gastos sa paghahatid ng mga produkto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments