Kasunod ito ng pagtutol ng ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa naturang dagdag-singil sa regular session noong Nobyembre 16.
Ayon kay Councilor Marcelino Fernandez, hindi napapanahon ang planong pagtataas ng singil dahil papalapit na ang holiday season at sa nararanasang mainit na panahon na nagdudulot ng mas mataas na pangangailangan sa tubig.
Ito rin ang hinaing ng ilang barangay, kabilang ang Barangay Pantal sa pangunguna ni Barangay Captain Julita F. Perez, na nagsabing bukod sa posibleng dagdag-singil ay mayroon pang mga residente na nagrereklamo sa kalidad ng serbisyo ng water provider.
Dahil dito, nananawagan ang mga barangay na muling pag-isipan ng PAMANA Water Dagupan ang planong pagtaas ng singil, lalo na’t hindi pa umano nareresolba ang ilang problema sa serbisyo.
Samantala, nakatakdang magkaroon ng dayalogo ang Sangguniang Panlungsod at PAMANA Water Dagupan upang talakayin ang naturang panukala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










