Itinuro sa mga high school students sa Villasis, Pangasinan ang mga mahahalagang problemang kinakaharap ng kabataan sa isinagawang youth health symposium ng bayan.
Ito ay matapos ang Teen Talk: A Youth Health Symposium kung saan nagsagawa ng talakayan ang Municipal Health Office o MHO ng Villasis sa mga estudyante ng Capulaan National High School.
Kabilang dito ang emotional well-being, pag-iwas sa bullying, responsableng pagdedesisyon kaugnay ng reproductive health, at mga panganib na dulot ng paninigarilyo at vaping.
Bukod dito, isinagawa rin ang symposium sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa HIV, pag-iwas sa infection, at pag-unawa sa mga taong nabubuhay na may HIV upang maiwasan ang stigma at diskriminasyon.
Ayon sa MHO, target ng aktibidad na matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga isyung pangkalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








