267 PDLs, lumaya ngayong araw

267 Persons Deprived of Liberty (PDL) mula sa iba’t ibang prison at penal farms ng Bureau of Corrections (BuCor) ang lumaya ngayong araw.

22 sa lumayang PDLs ay mula sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.

Kabilang sa mga pinalayang inmates ay nakapagsilbi na ng kanilang sentensya, ang ilan naman ay acquitted sa kanilang kaso habang ang ilan ay nakalaya dahil sa parole at cash bond.


Ang mga lumayang PDLs ay binigyan ng certificate of discharge from prison, grooming kit, gratuity at transportation allowance.

Ayon kay BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., ang pinalayang inmates ay sumailalim muna sa pagsasanay sa kanilang kanya-kanyang skills kaya maaari silang magtrabaho o hindi kaya ay makapagtayo ng maliit na negosyo.

Facebook Comments