3-ANYOS NA BATA SA POZORRUBIO,NASAWI MATAPOS UMANONG PAGPAPALUIN NG SARILING LOLO

Nasawi ang isang 3 taong gulang na batang lalaki matapos umanong saktan ng sariling lolo sa isang insidenteng naganap noong Mayo 14, 2026 sa bayan ng Pozorrubio.

Sa pahayag ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), sinabi nitong patuloy ang imbestigasyon sa kaso habang inihahanda ang kaukulang reklamo laban sa suspek.

Ayon sa pulisya, ang natamong pananakit ng bata ang sinasabing naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Hindi na muna isinapubliko ng mga awtoridad ang iba pang detalye kaugnay ng insidente habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang Pangasinan PPO sa pamilya ng biktima at tiniyak na pananagutin sa ilalim ng batas ang suspek.

Kasabay nito, muling nanawagan ang pulisya sa publiko na maging mapagmatyag at agad magsumbong sa mga awtoridad hinggil sa anumang uri ng pang-aabuso o karahasan laban sa mga bata. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments