Aabot sa 562 magsasaka sa bayan ng Infanta ang tumanggap ng ayuda mula sa Department of Agriculture–Regional Field Office 1 (DA-RFO1) sa pamamagitan ng pamamahagi ng urea granular fertilizer mula Mayo 11 hanggang 13, 2026.
Kabuuang 785 sako ng pataba ang ipinamahagi sa mga benepisyaryong nagtanim ng hybrid palay seeds para sa 2025-2026 dry season.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na mapanatiling malusog at mataas ang produksyon ng palay hanggang sa panahon ng anihan.
Naging katuwang sa distribusyon ang iba’t ibang irrigators’ associations at farmers’ groups sa bayan.
Pinangasiwaan naman ng Office of the Municipal Agriculturist ang pamamahagi upang matiyak na makarating ang tulong sa mga magsasaka sa iba’t ibang agricultural areas sa bayan.
Ayon sa mga tanggapan, bahagi ito ng patuloy na suporta sa sektor ng agrikultura at sa pagpapalakas ng food security sa lokalidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










