3 armadong kalalakihan patay, habang 3 iba pa arestado sa operasyon ng PNP sa Tawi-Tawi

Patay ang 3 armadong lalake habang arestado naman ang 3 iba pa matapos ang nangyaring shootout sa isang police operation sa Tandubas, Tawi-Tawi noong Linggo.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Brig. General Roderick Augustus Alba, bago ang insidente, nakatanggap ang Tandubas Municipal Police Station ng tawag mula sa isang concerned citizen kung saan mayroon umanong presensya ng armadong grupo sa Kalang Islet, barangay Kakoong.

Pagkarating ng mga otoridad, nakipagpalitan pa ng putok ang mga armadong kalalakihan.


Base sa records, kilalang notorious na drug personalities ang armadong grupo.

Kinilala ng PNP ang mga ito na sina Nurhamin Madnur, Moh’d Al Sangogot at isang alyas Billy, habang ang mga naaresto naman ay sina Alhamin Sangogot, Alman Ladjabassal at Adin Nur.

Samantala, inihahanda na ang kasong Republic Acts 10591 and 9165 sa mga arestadong indibidwal.

Facebook Comments