RIDER, HULI SA PAG-IINGAT NG BARIL

17
Arestado ang isang rider matapos mahulihan ng mga pulis ng baril sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga ngayong araw, Agosto 1, 2022.

Ayon sa PNP Tabuk, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa isang lalaking nakasakay sa motorsiklo habang may nakasuksok na baril sa kanyang baywang.

Rumesponde naman agad ang mga pulis at nahuli ang lalaki sa tapat ng gasolinahan sa Purok 1, Bulanao.

Ang suspek ay kinilalang si Jocel Sacayle, 37, residente ng Mapaco Pinukpuk, Tabuk City.

Bigo ang lalaki magpakita ng anumang dokumentong baril na nasa kanyang pag-iingat na nagresulta ng pagkaaresto sa kanya.

Nahaharap si Sacayle sa kasong paglabag ng RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na nasa kustodiya ng PNP.

Facebook Comments