3 MONTH OLD BABY SA LA UNION GUMALING SA COVID-19

19

SAN FERNANDO CITY, LA UNION – Nakalabas na sa isolation facility ang tatlong buwang taong gulang na sanggol sa San Fernando city matapos mag-negatibo ang resulta ng swab test nito sa COVID 19. Ito ang pinakabatang tinamaan ng COVID 19 sa buong rehiyon uno.

Ang sanggol ay mula sa barangay Biday na naunang naadmit sa ITRMC noong ika-27 ng Abril dahil positibo sa nakakahawang sakit. Dalawang beses itong kinuhanan ng swab test at parehong negatibi ang resulta sa COVID19. Ito na ang ika apat na gumaling sa COVID 19 sa siyudad ng San Fernando.


Photo credited to City Government of San Fernando City

Facebook Comments