Saturday, June 20, 2026

Lalaking nagwala sa Marikina, kinagat ang mga rumespondeng pulis

Sugatan ang dalawang police patrolmen matapos atakihin at kagatin ng isang lalaki na nagwawala sa loob ng isang residential subdivision sa Marikina City kahapon ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas “Freddie”, isang construction worker.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Concepcion Dos Police Sub-Station dahil may isa umanong lalaki ang nagwawala sa rooftop ng isang bahay.

Pagdating ng mga pulis sa lugar, nadatnan nila ang suspek na sumisigaw habang may hawak na kutsilyo kung saan sinubukan pa umanong pakalmahin ang nasabing lalaki.

Ngunit imbes na kumalma ay kinagat ng suspek ang isang pulis sa tagiliran habang ang isa pang pulis ay kinagat sa kaliwang tenga.

Naaresto naman ito at nakuha ang kanyang hawak na patalim dahil dito siya ay nahaharap sa reklamong direct assault, alarm and scandal, disobedience to person in authority, at illegal possession of bladed weapon.

Facebook Comments