30 KPH NA PAGPAPATAKBO NG MGA SASAKYAN SA MATATAONG LUGAR, SINANG-AYUNAN NG MGA GRUPO NG RIDER

Sinang-ayunan ng mga grupo ng rider sa Pangasinan ang suhestyon ng pamahalaan na magtakda ng speed limit hanggang 30 kilometers per hour sa mga urban areas o yung mga lugar na maraming tao.

Inilahad ni Charity Riders for One PH Pangasinan Chairman Renan Lopez na ang naturang suhestyon ay maigi dahil possible itong makatulong sa pagpapababa ng mga naitatalang aksidente sa kalsada.

Aniya, tumatalima naman ang kanilang grupo upang maisulong ang road safety sa mga lansangan.

Samantala, nagpahayag din ng pagsang-ayon si POSO Dagupan City Chief Arvin Decano lalo na’t maraming sasakyan ang dumadaan sa mga kalsada sa lungsod. Sa katunayan, madalas umano nilang namomonitor at tinututukan iyong mga bahagi ng Tapuac at Arellano.

Matatandaan na isinulong ang naturang suhestyon dahil sa patuloy na pagtaas ng mga road accidents na madalas pang kasangkutan ng mga matutulin na sasakyan particular ng mga motorsiklo.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments