
Pinawi ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangamba ng publiko na may nakaambang pagtaas sa presyo ng sardinas sa merkado.
Ayon kay DTI Secretary Cristina Roque, walang katotohanan ang kumakalat na spekulasyon tungkol sa price increase.
Nauna rito, lumabas ang ulat na hiniling ng Southern Philippines Deep Sea Fishing Association ang pagtaas ng presyo ng 155-gram na lata ng sardinas mula P15 hanggang P31.
Gayunman, nilinaw ng DTI na wala pang opisyal na pag-uusap o kahilingan mula sa anumang canning company. Nakatakda pa lamang aniya ang pagpupulong ng ahensya sa mga manufacturer sa darating na weekend.
Una nang inanunsyo ng DTI na pinalawig hanggang May 10 ang pagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.
Facebook Comments










