Umabot na sa 130 ang bilang ng naitatalang road accidents sa bayan ng Mangaldan mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, ayon sa hanay ng Mangaldan Police Station.
Dahil dito, mas paiigtingin pa sa bayan ang seguridad sa gitna ng kakalsadahan at maging mga regulasyon buhat ng naitatalang mataas na bilang ng vehicular accidents.
Palalakasin pa umano ng hanay ang kanilang police visibility sa mga barangay maging ang pagpapatrolya sa mga outpost at fixed border control points para sa mabilis na pagresponde.
Ayon din kay Municipal Health Officer, Dr. Larry B. Sarito, isa rin sa nakikita nilang maaaring maging dahilan ng aksidente ay ang mga pakalat-kalat na aso sa kalsada, pagmamaneho ng mga motorista ng lasing, at pagmamaneho ng mga e-bike ng mga menor de edad na wala pang lisensya.
Dapat umanong paigtingin pa ang mga nakapaloob na ordinansa at maisulong ang mga panukalang may kaugnayan sa mga nabanggit na suliranin upang matiyak na magiging ligtas ang mga kakalsadahan.
Rekomendasyon naman na ang mga natalakay na panukala ay kailangan na dumaan sa wasto at legal na proseso at magawan ng resolusyon, ma-endorso sa Sangguniang Bayan upang mapag-aralan at maipatupad ng wasto ang mga regulasyon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣