300k danyos sa sunog sa 80 na bahay sa Gensan

46

General Santos City—Aabot ng 300,000.00 ang danyos sa nangyaring sunog sa Purok San Juan, Barangay Calumpang, Gensan na nangyari alas 2:50 ng hapon kahapon.

Basi sa initial investigation ng Bureau Of Fire protection-Gensan aabot sa 80 bahay ang tinupok ng apoy kung saan nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang Marites Canine.


Dahil gawa sa light material ang nasabing mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang mga bahay sa palibot nito na gawa din sa light materials.

Ayon sa BFP, Faulty wiring ang isa sa kanilang tinuntutukan na dahilan ng sunog habang iniimbistigahan narin nila ang anggulong Butane ang dahilan ng nasabing sunog.

Sa ngayon pansamantalang nananatili ang mga nasunugan sa Gymnasium ng Barangay Calumpang, habang nagbigay narin ng tulong ang Local government ng Gensan sa mga apektadong nasabing sunog.

Facebook Comments

From Advertisers