Batay sa imbestigasyon ng Urbiztondo Police Station, madaling araw ng Miyerkules nang maganap umano ang insidente at magtungo ang biktima sa bahay ng suspek para komprontahin ang asawa nito kaugnay ng kumakalat na balitang may namamagitan umano sa kanila.
Ayon sa mga awtoridad, nakainom na ang biktima nang dumating gayundin ang suspek na noong panahon na iyon ay nagkakaroon na ng pagtatalo sa asawa nito.
Di kalaunan ay nauwi sa mainitang pagtatalo ang suspek at biktima hanggang sa umano’y kumuha ng palakol ang suspek at inatake ang kaniyang pinsan.
Nagawa pang makatakas ng biktima ngunit nadapa ito habang tumatakbo at inabutan ng suspek saka hinataw ng palakol sa likod at binti.
Agad na isinugod sa ospital ang biktima para sa kaukulang lunas habang nakatakas naman ang suspek matapos ang insidente.
Patuloy naman ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad at hanggang ngayon ay tinutuntun pa rin ang suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







