
Iginiit ni Senate Impeachment Court-Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., na si Senate President Win Gatchalian ang magpe-preside sa pagsisimula ng impeachment trial sa July 6.
Ayon kay Bantug, si Gatchalian ang magbubukas ng pagsisimula ng paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.
Kung sakali naman na may mapagkasunduan aniya ang mga senador, sa araw ding iyon sila posibleng maghalal ng ibang senador bilang presiding officer.
Matatandaang sinabi ni Senator Ping Lacson na napagkasunduan ng mga mambabatas na italaga bilang presiding officer si Senator Chiz Escudero bilang ito ay isang abogado at para maging mabilis ang pagdedesisyon sa isang mosyon.
Samantala, inaasahan na ngayong araw tatapusin na rin ang pre-trial conference para sa impeachment trial laban kay VP Sara Duterte.










