Tuesday, May 26, 2026

36 na barko ng China, na-monitor sa West Philippine Sea nitong nagdaang linggo

Nakapag-monitor ng 36 na Chinese vessels ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 4 na maritime features sa West Philippine Sea sa nakalipas na linggo, May 19 hanggang 25.

Sa Ayungin Shoal, namataan ang 8 Chinese Coast Guard Vessels o CCGV at 1 People’s Liberation Army Navy Ships.

Habang 9 naman na CCGVs at 10 PLA Navy ships ang namataan sa Bajo De Masinloc.

Sa Escoda Shoal namonitor ang 3 CCGVs at 2 PLA Navy ships at sa Pag-asa Island namonitor naman ang kabuuang 3 barko ng China.

Patuloy naman ang pagbabantay ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa pambansang teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Facebook Comments