371 na preso, pinalaya na ayon sa Bureau of Corrections

87

Tinatayang nasa 371 na preso ang pinalaya na kahapon sa iba’t ibang kulungan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon sa BuCor, ito na ang pinakamataas na bilang na napalaya sa loob ng isang araw.

Kabilang sa mga napalaya ay ang mga napawalang-sala ng Korte Suprema sa kasong may kinalaman sa droga at ang nabawasan ng sintensya bunsod ng magandang asal sa kulungan.


Itinaon ang pagpalaya sa ika-65 kaarawan ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon.

Samantala, nagrekomenda ang Palasyo ng Malakanyang ng aabot sa 300 iba pang preso na mabibigyan ng executive clemency.

Facebook Comments