Pulis Maynila, hinimok ang mga mamili sa Divisoria na magsuot pa rin ng face mask

49

Patuloy ang paghimok ng Manila Police District (MPD) sa mga mamimili sa Divisoria na magsuot ng face mask.

Kasunod ito nang ibinabang Executive Order No. 3 ni Pangulong Bongbong Marcos na nagluluwag sa pagsuot ng face mask sa outdoor setting.

Paliwanag ni Dagupan Police Staff Sergeant John Tolentino, inaasahan kasi nilang dodoble ang dami ng taong tutungo sa Divisoria tuwing ber months.


Dahil dito ay patuloy pa rin ang paki-usap nila sa mga walang suot na face mask na magsuot pa rin para sa kanilang proteksyon at kaligtasan.

Facebook Comments