
Ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Cavite–Laguna Expressway (CALAX) Subsection 3 sa General Trias, Cavite ngayong umaga.
Ayon sa Pangulo, magsisimula ang libreng toll sa nasabing expressway ngayong alas-dose ng hatinggabi at tatagal ng isang buwan.
Saklaw ng bagong bukas na bahagi ang halos 5.9 kilometro mula Silang Aguinaldo Interchange hanggang Sta. Rosa–Tagaytay Interchange.
Inaasahang mas bibilis ang biyahe ng mga motorista mula Cavite papuntang Laguna at pabalik.
Matapos ang pagbubukas, nagtungo rin ang Pangulo sa General Trias, Cavite kung saan personal niyang pinangunahan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga barangay sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).
Bahagi ito ng programa ng administrasyon na “Bawat Barangay Makikinabang,” na layong direktang matulungan ang mga lokal na komunidad.










