Friday, May 8, 2026

Work-from-home arrangement, binawi na ng Korte Suprema

Binawi na ng Korte Suprema ang work-from-home arrangement para sa kanilang mga kawani.

Batay sa resolusyon ng Supreme Court en banc na may petsang April 29, magpapatupad na ulit ng standard five-day work week ang kanilang tanggapan kung saan kinakailangan nang mag-onsite ang mga kawani mula Lunes hanggang Biyernes.

Nakasaad din na epektibo ito mula ngayong buwan ng Mayo.

Sa kabila ng pag-alis ng work-from-home arrangement, mananatili naman ang mga pagtitipid sa kuryente na ginagawa ng SC.

Papayagan din anila ang pagkakaroon ng overtime pero naka case-to-case basis pa rin.

Nagpatupad ng work-from-home arrangement ang mga tanggapan ng gobyerno kabilang ang Supreme Court dahil sa pagsipa ng presyo ng petrolyo dulot ng tensiyon sa Middle East.

Facebook Comments