
Umaasa ang miyembro ng prosecution team na mareresolba ang apat na pending motion kasabay ng pagsisimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Lunes.
Yan ang inihayag ni Manila 3rd District Rep. Joel chua, member ng prosecution team, sa Saturday News Forum, July 4.
Kabilang sa nasabing mosyon ang paggamit ng wikang Filipino at ingles sa paglilitis; pagbibigay ng tatlong araw na notice o abiso sa magkabilang panig bago isalang ang isang witness; pagpayag sa private at public prosecutors na i-examine ang mga testigo kung kinakailangan; at ang pagbubukas ng box na naglalaman ng tax document ng bise presidente.
Maliban dito, inaasahan na rin umano nila ang diskusyon ng magkabilang panig sa pagresolba sa mga nakabinbin na mosyon.
Samantala, ipinaliwanag din ni Attorney Jay Tolosa, private prosecutor ng House Impeachment Panel, na hindi nakadepende sa bigat ng mga ebidensya ang pagkakasunod-sunod ng mga kaso na tatalakayin sa Impachement Trial ni Vice President Sara Duterte.
Inuna umano nila ang Grave Threats dahil ito ang madaling masusundan ng prosecution team at taumbayan.










