
Kumpyansa si Senate Secretary Renato Bantug Jr. sa maayos na pagsisimula ng unang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong araw.
Ayon kay Bantug, lahat ng major preparations ay nagawa na ng Senado na tatayong impeachment court.
Gayunman, hindi pa rin natatapos ang mga paghahanda dahil aminado si Bantug na habang gumugulong ang paglilitis ay patuloy pa rin ang kanilang pagsasaayos.
Maaga pa lang ay humihingi na rin ng paumanhin si Bantug sakaling magkaroon ng kaunting inconvenience sa umpisa dahil aminado siyang may mga pagdadaanang birthpains at hindi kaagad mape-perfect ang sistema.
Inaasahan naman na magiging mabilis lang ang unang araw ng impeachment trial kung saan inaasahan ang call to order appearances, opening statements ng house prosecution team at defense team at pwedeng sa araw ding ito resolbahin ang ilang mga nakabinbing isyu para sa proceedings.










