Wednesday, July 8, 2026

Warrant ni Sen. Marcoleta para sa kasong plunder, naibalik na sa Sandiganbayan ayon sa PNP; commitment order nito, naisyu na rin

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na naibalik na sa Sandiganbayan ang warrant of arrest ni Senator Rodante Marcoleta kaugnay ng kasong plunder.

Ayon kay Nartatez, noong Lunes, nang maaresto ang senador, ay naibalik na rin ang nasabing warrant.

Aniya, hindi mismo ang senador ang nagbalik ng warrant dahil nasa kustodiya na ito ng pulisya matapos dumaing ng pananakit ng dibdib at batok, gayundin ng pabago-bagong blood pressure.

Tiniyak naman ng PNP na walang VIP treatment ang senador kahit na kasalukuyan itong nasa PNP General Hospital.

Samantala, kinumpirma rin ni PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co na naisyu na ang commitment order para sa senador at idedetine ito sa New Quezon City Jail sa Payatas.

Aniya, hinihintay na lamang na ma-clear ng mga doktor at ideklarang fit to travel ang senador bago ito ilipat sa kulungang nakasaad sa commitment order nito.

Facebook Comments