Wednesday, July 8, 2026

Ikalawang araw ng impeachment trial, tagumpay para sa panig ng prosekusyon

Para sa House Prosecution Panel, nasa panig nila at ng taumbayan ang tagumpay sa ikalawang araw ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House trial Spokesperson Rep. Zia Alonto Adiong, matagumpay na naipresenta ng prosekusyon ang unang testigo at bahagi ng mga ebidensya para sa ikaapat na article of impeachment.

Patungkol ito sa banta ni VP Duterte na ipapapatay si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., 1st Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez bukod sa alegasyong inciting to sedition.

Diin ni Adiong sa naging takbo ng ikalawang araw ng paglilitis kay VP Sara ay naging malinaw na talagang lumalabas at lumalakas ang panawagan ng prosecution na ipakita sa taumbayan ang katotohanan.

Facebook Comments