4 na tao patay sa Bagyong Dante

Apat katao na ang naitatala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Dante.

Batay sa datos ng NDRRMC, ang apat na nasawi ay isang taong gulang na batang lalaki na namatay sa suffocation matapos matabunan ng putik at debris sa Panoraon, Davao de Oro.

Habang isang 71 taong gulang na lalaki rin ang nasawi matapos matangay ng flashflood dahil sa walang patid na pag-ulan sa Malalag, Davao del Sur.


Sa Norala South Cotabato naman, isang 14-anyos na batang babae ang nalunod at isang 55-anyos na lalaki ang nakitang wala nang buhay.

Dalawa naman ang naitatalang sugatan ng NDRRMC dahil sa pananalasa ng bagyo ito ay isang 14 taong gulang na batang lalaki at isang 18 taong gulang na babae.

Nawawala naman ang pito pa at ngayon ay patuloy na isinasagawa ang search and rescue operation para maligtas pa ang mga ito.

Apat sa mga ito ay mga mangingisda na mula sa Region 4A.

Facebook Comments