46° CELSIUS HEAT INDEX, DAMA SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Cauayan City – Umabot sa 46° Celsius ang damang init ng temperatura sa lungsod ng Cauayan kahapon, ika-22 ng Abril.

Sa inilabas na ulat ng Bee Gee Dee Command Center ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), nasa Danger Level ang Classification ang damang init, habang nasa 38° Celsius naman ang temperatura ng panahon sa buong kalungsuran.

Ang damang init ay maaring magdulot ng fatigue kapag matagal na na-expose sa init ang isang indibidwal, habang maari ring umabot sa heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke kapag tuluy-tuloy na aktibidad.

Upang maiwasan ang panganib na dulot ng mainit na panahon, limitahan ang oras na pamamalagi sa labas, uminom ng sapat na tubig, gumamit ng payong at sumbrero, magsuot ng light colored na damit, at gawin ang heavy-duty activities sa mga oras na hindi gaanong mainit ang panahon.

Samantala, maliban sa lungsod ng Cauayan, nakakaranas rin ng matinding init ng panahon ang buong lalawigan ng Isabela at inaasahan na nagtutuluy-tuloy ang maalinsangang panahon dulot na rin ng Summer Season.

Facebook Comments