ILANG PANGASINENSE, NAGLULUKSA SA PAGPANAW NG SANTO PAPA

Nagluluksa ngayon ang ilang Pangasinense sa pagpanaw ng lider ng Simbahang Katolika na si Pope Francis o kilala bilang“Lolo Kiko”.

Ang Santo Papa ay kilala bilang “Peoples Pope” dahil sa pagiging malapit nito sa mga masa. Dahilan, kayat mas tumatak ito sa puso’t isipan ng ilang Pangasinense ng deboto.

Nagpahayag ng mensahe’t pasasalamat ang mga ito sa kabutihan at mga aral na kanilang napulot sa bawat sermon ng Santo Papa.

Pinatunog naman sa iba’t-ibang simbahan sa bansa ang kampana bilang pakikiisa at pakiki dalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis.

Sa bayan ng Binalonan, tumagal ng higit dalawang minutong pagpapatunog ng kampana, hudyat at nangangahulugan ng paghihimok sa bawa’t isa na ipanalangin ang pumanaw na Santo Papa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments