COMELEC OFFICES SA ISABELA, NAMAHAGI NA NG VOTER’S INFORMATION SHEET

CAUAYAN CITY – Nagsimula nang mamahagi ng Voter’s Information Sheet (VIS) ang mga opisina ng Comission on Elections (COMELEC) sa lalawigan ng Isabela.

Ilan sa mga ito ay ang bayan ng Alicia, Angadanan, Quirino, at Lungsod ng Cauayan.

Ang VIS ay isang apat na pahinang dokumento na inilaan upang gabayan at bigyang-kaalaman ang bawat rehistradong botante sa darating na halalan.

Nilalaman nito ang mga mahahalagang detalye tulad ng pangalan ng botante, numero at lokasyon ng kanilang presinto, listahan ng mga kandidato, petsa ng eleksyon, at kung anong oras ang eleksyon. Nakapaloob din rito ang mga tagubilin sa proseso ng pagboto.

Layunin ng VIS na tiyaking may sapat na impormasyon ang bawat botante ukol sa kanilang rehistrasyon at iba pang kaugnay na datos upang maiwasan ang kalituhan sa araw ng halalan. Sa pamamagitan nito, mas pinapalakas ang partisipasyon ng publiko at pagtitiwala sa demokratikong proseso.

Facebook Comments