5 barangay sa Sta. Cruz at Binondo, Maynila, naikot ng DZXL Radyo Trabaho

28

Sa kabila ng masamang panahon kahapon, malugod na dinalaw ng DZXL Radyo Trabaho team ang limang barangay sa Binondo at Sta. Cruz, Maynila.

Sa pag-iikot ng RT team partikular sa Barangay 294 at 285, napansin ang mga naglalakihang gusaling pang-komersyo na tila nangangahulugang, karamihan sa mga residente ay maaaring may trabaho.


Masaya namang tinanggap ng mga residente at barangay officials ang RT team sa Barangay 276 ng Binondo at 336 Sta. Cruz.

Wala namang nakausap na opisyal mula Barangay 314 ang RT team pero naging matagumpay ang pagbibigay impormasyon nito sa mga residente ukol sa layunin ng Radyo Trabaho.

Sa susunod na Martes, abangan muli ang Radyo Trabaho team sa pagdalaw nito sa inyong mga barangay diyan pa rin sa lungsod ng Maynila.

Facebook Comments

From Advertisers