Sinimulan na ang pagsasaayos ng Udiao-Binmeckeg Diversion Road sa Sison, Pangasinan sa pamamagitan ng regraveling mula Hunyo 12 hanggang 14, 2026.
Matagal na umanong hinaing ng mga biyahero, motorista, at negosyante, na karamihan ay residente ng bayan, ang bako-bakong kalagayan ng naturang daan.
Ang diversion road ay araw-araw umanong ginagamit ng mga residente patungo sa kanilang trabaho at paaralan, gayundin ng mga nagangalakal.
Dahil dito, isinakatuparan ang naturang regraveling sa pakikipag-ugnayan ng mga lokal na pamahalaan ng Rosario, La Union at Sison, Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










