Kasabay ng pagbubukas ng School Year 2026-2027 sa Pangasinan School of Arts and Trades, hindi lamang ang kahandaan ng mga estudyante at guro ang binigyang-pansin kundi maging ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral.
Isa ang kaligtasan ng mga estudyante sa mga pangunahing prayoridad ng paaralan sa pagbubukas ng eskwelahan.
Bukod sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor, nagpatupad din ang paaralan ng karagdagang mga hakbang upang maiwasan ang pagpasok ng mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng campus.
Hindi lamang ang administrasyon ng paaralan ang nakikibahagi sa pagpapanatili ng kaayusan kundi maging ang mga student leaders.
Mahalaga rin ang papel ng mga estudyante sa pagpapanatili ng kanilang sariling kaligtasan habang nasa paaralan.
Nagbibigay rin ng kapanatagan sa mga magulang ang mga ipinatutupad na hakbang ng paaralan.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng paaralan, mga magulang, at mga estudyante, layunin ng naturang paaralan na mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran sa pag-aaral ngayong School Year 2026-2027. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








