Friday, June 12, 2026

Senador, umapela sa mga kapwa mambabatas na abutin ang mga malalayong lugar sa Mindanao na tinamaan ng malakas na lindol

Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa mga kapwa mambabatas na sikaping abutin ang mga malalayong lugar na apektado ng 7.8 magnitude na lindol.

Iginiit ni Go na mahalagang mahatiran din ng tulong ang mga kababayang nasa lugar na mahirap i-access o puntahan.

Bunsod ng pinsala ng malakas na lindol, maraming kababayan sa Mindanao ang nangangailangan pa ng tulong na hindi agad mahatiran.

Isa ang senador sa pinakaunang nakarating sa lalawigan ng Saranggani partikular sa Malapatan at Glan at nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng lindol.

Namahagi ang tanggapan ng senador ng mga bigas, de lata, mga pagkain at malinis na tubig at cash assistance sa local na pamahalaan.

Hinimok din ni Go ang mga kasamahan sa mataas na kapulungan na magkaisa at magserbisyo na sila at tigilan na ang bangayan sa pulitika.

Facebook Comments