Friday, June 12, 2026

Senate Impeachment Court, pwedeng pumili ng itatalagang presiding officer sa impeachment trial ni VP Sara Duterte

Makakapili na ang mga senador ng itatalagang presiding officer ng Senate Impeachment Court na maglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay dahil sa naamyendahan nilang impeachment rules kung saan hindi na lamang limitado sa Senate President ang pagiging presiding officer ng impeachment court at maaari nang bigyang daan ang eleksyon ng ibang senador para gumanap dito.

Ayon kay Senator Tito Sotto III, ipinasok iyon sa rules bilang paghahanda sa panahon ng pangangailangan gaya halimbawa kung biglang nagkasakit o hindi available ang natalagang presiding officer.

Sa pagkakaalam pa ni Sotto, sinang-ayunan din ito ng ilang kasapi ng minority bloc.

Sinabi pa ni Sotto na maski si Acting Senate President Sherwin Gatchalian ay sang-ayon sa ideya na abogado ang gawing presiding officer ng impeachment court.

Nauna namang sinabi ni Gatchalian na paguusapan pa ng majority bloc ang posibilidad na ibang senador ang mag-preside sa impeachment trial.

May mga umuugong na balitang si Senator Chiz Escudero o si Senator Kiko Pangilinan na parehong abogado ang napipisil na maging presiding officer sa impeachment court.

Facebook Comments