Labanang Pacman at Amir Khan, gaganapin sa Nobyembre

120

Kumasa ang British boxer na si Amir Khan na labanan si Senator Manny Pacquiao sa Riyadh, Saudi Arabia bago matapos ang taon.

Noong 2017 pa sana naglaban ang dalawa sa United Arab Emirates pero hindi natuloy ang deal.


Ayon kay Khan – gaganapin ang laban nila ni Pacman sa November 8 at tiwalang matutuloy ito.

Pero ayon sa kampo ni Pacquiao, walang nilagdaan ang fighting senator na anumang kontrata.

Sa ngayon, nasa Las Vegas si Pacquiao para sa laban nito kay Keith Thurman sa Linggo (oras sa Pilipinas).

Facebook Comments

From Advertisers