Higit 200 aplikante, may trabaho na matapos mag-apply sa Mini Job Fair ng Parañaque PESO

37

Na-hired on the spot ang nasa 243 aplikante sa mini job fair ng Parañaque City PESO kahapon.

Karamihan sa mga aplikante ay natanggap bilang bagger, merchandizer, sales staff, admin staff, cashier, service crew, supervisors at mga production workers.


Ayon kay PESO Assistant Manager Amy Martin – hindi nila inaasahang aabot sa 804 ang makikilahok sa job fair.

Maliban sa job fair, nagkaroon din ng Job Seekers Forum na dinaluhan ng mga aplikante, employer at senior high school students.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang oportunidad na i-aanunsyo sa inyo ng DZXL Radyo Trabaho.

Ihanda ang sangkatutak na resume dahil ngayong araw ay may In-House Job Recruitment Activity ang kompanyang Ace Hardware sa Public Employment Service Office (PESO) Pasig City.

Magsisimula ito alas-8:30 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali sa kanilang PESO Office sa Pasig City Hall.

Maliban dito, mayroon ding Special In-House Job Fair din ang PESO Pasay City na magsisimula mamayang alas-otso ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali sa Room 310, 3rd Floor sa Pasay City Hall.

Facebook Comments

From Advertisers