5 pasahero ng MRT-3, nagpositibo sa pagpapatuloy ngayong araw ng libreng random antigen test

47

Limang pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang nagpositibo sa isinagawang antigen testing kaninang alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga.

Ito’y kaugnay ng pagpapatuloy ngayong araw ng libreng random antigen testing ng Department of Transportation (DOTr) para sa mga boluntaryong pasahero ng MRT-3 bilang bahagi ng pag-iingat ng pamunuan ng MRT-3 sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Mula sa kabuuang 48 na isinalang sa antigen testing, 43 ang nagnegatibo.


Isinagawa ang libreng antigen testing sa train stations sa North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard, at Taft Avenue.

Ang mga nagpositibo ay hindi na pinayagang sumakay ng tren at pinayuhang mag-isolate at makipag-ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalaan.

Facebook Comments