Arestado ng mga tauhan ng San Fabian Municipal Police Station ang isang 51-anyos na lalaki na may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness kaugnay ng Republic Act 7610.
Isinagawa ang pag-aresto noong September 17, 2026 sa bisa ng warrant na inilabas ng Municipal Circuit Trial Court, First Judicial Region, San Fabian-San Jacinto, Pangasinan noong Setyembre 3.
Ang warrant ay may kaugnayan sa Criminal Case No. 6835 (SJ-26) para sa paglabag sa Article 336 ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 5(b) ng R.A. 7610, gaya ng pinagtibay ng R.A. 11648.
May inirekomendang piyansa na ₱36,000 para sa naturang kaso.
Ang naarestong indibidwal ay residente ng Laoac, Pangasinan.
Na-verify rin at minarkahang “arrested” ang suspek sa PNP Enhanced e-Warrant at National Police Clearance System.
Gumamit naman ang mga arresting officer ng Alternative Recording Device habang isinasagawa ang operasyon bilang bahagi ng hakbang upang matiyak ang transparency at legalidad ng pag-aresto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








