Nagsagawa ang Calasiao Municipal Police Station (MPS) ng information campaign sa isang paaralan at lecture sa Barangay Banaoang bilang bahagi ng kampanya laban sa karahasan.
Sa isang kolehiyo, nakipagdayalogo ang mga pulis sa mga estudyante tungkol sa Nihilistic Violent Extremism, kabilang ang mga panganib at babalang senyales nito.
Tinalakay rin ang kahalagahan ng kritikal na pag-iisip upang maiwasan ang pagkalat ng marahas na ideolohiya sa kabataan.
Samantala, sa Barangay Banaoang, nagbigay ang Calasiao MPS ng lecture tungkol sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Ipinaliwanag sa mga residente ang mga probisyon ng batas at ang mga paraan ng paghingi ng tulong at pag-uulat ng mga insidente ng karahasan at pang-aabuso laban sa kababaihan at mga bata. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣












